Jollibee In Edmonton

Gano ba ka toto ang bulong-bulongan ngayon tungkol sa isang napaka sikat na Pinoy fast food chain na di-umano’y magbubukas ng branch dito sa Edmonton, Alberta, Canada?

Jollibee In Edmonton

Ayon sa haka-haka, kasalukuyan daw na tinatrabaho at tinatayo ang gusali ng fast food chain na ito na itago na natin sa pangalang… JOLLIBEE at ayon sa aking ” mapagkakatiwalaang makakating labi “, magbubukas daw ang Jolibee sa may malapit lang sa amin at marami na daw ang nagkumpirmang Jollibee nga ang magbubukas doon sa may Gateway Boulevard.

Jollibee In Edmonton Jollibee
Langhap Sarap!

Totoo na kaya ‘to this time o isang malaking drawing nanaman?

Jollibee In Edmonton

Bandang 2016 ata yun nung umusbong ang tsismis na magbubukas ang Jollibee dito sa Edmonton, sa may bandang West, at kami naman ay tuwang tuwa at asang asa dahil, sa wakas, pag na homesick kami, may pantanggal lumbay man lang- ‘yun nga lang, isang malaking alamat lang pala. Walang klarong dahilan kung bakit hindi natuloy, basta, yung Jollibee sa sinasabi nila ay isang drawing lamang pala, isang malaking drawing!

Jollibee In Edmonton Jollibee YEG
Jollibee store kay ‘to?

About 2 days ago, pumunta kami’ng Toys R Us sa may Gateway Blvd. at meron nga kaming nakitang ginagawang building sa lugar na yun, and from the looks of it, parang yun yong building na kumakalat ngayon sa Facebook na di umanoy building ng magbubukas na Jollibee dito sa Edmonton.

Jollibee In Edmonton

Jollibee In Edmonton Jollibee Edmonton

Totoo kaya ito o bulong-bulongan lang? Ako, hindi muna ako aasa ng todo, baka ma paku nanaman ito’t ma-HOPIA lang ako, haha, mahirap na… Kung magbubukas nga talaga ng Jollibee sa Edmonton, HURRAY! MASAYA! ‘Pag hindi naman, mag-aantay nalang akong mangyari yun. Tiwala naman ako na kahit saang sulok pa ng mundo magbubukas ang Jollibee, basta’t may Pinoy, papatok at papatok talaga ito. Tiwala lang talaga na sana, soon, mangyayari din yun.

… Pero, Totoo nga ba talagang magbubukas ang Jollibee dito sa Edmonton o pawang chismis lamang?

xxx

Comments

    1. Post
      Author
    1. Post
      Author
    1. Post
      Author
      jephflores

      Sa me gateway blvd daw, di ko alam kung kelan o mag oopen ba talaga. Balita ko rin Meran daw sa Calgary. di wow!

    1. Post
      Author
    1. Post
      Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *